Tula

Standard

Susulat ako ng tula at dula
Kung saan ang tula ay dula at ang dula ay tula
Susulat ako ng mga gusto kong linya
Kung saan mananatili ang mga matatamis na salita

Susulat ako ng susulat ng mga tugma
At hindi ako mapapagod
Gaya ng pagtingin ko sa malayo sayo noon
Hanggang sa ikaw ay nasa piling ko na ngayon

Susulat ako ng bahagya ng aking mga biyaya
Susulatin ko lahat ng ikinaliligaya
Paminsan minsan susulat ako ng malungkot
Dahil minsan hindi kita maaabot.

Susulat ako ng tunog at gagawin kong himig
Sa isip mo ito ay iisa lang ang tinig
Ngunit sa aking imahinasyon samut sari ang binabanggit
Mahal kita, oo ikaw ay aking iniibig

Sa walang hanggan isisigaw ko ng malakas
Lahat ng panulat ko’y binibigkas
Na sa hanggan dulo ng wagas
Susulat ako at susulat na parang pantas

Ang mga salita ay wala
Magkakaron kapag pinakawala
Lalo na sa isip na may imahinasyon
Paano pa ang pusong may inspirasyon?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s